Friday, December 22, 2006

Tapos si Bansot!

Kinausap ako ni Bansot kanina at ang putang ina nagbigay ng isang linggong notice. Isa't kalahating ulul at gago talaga. Paskong-pasko binubwiset ako. Bakit kamo? Eh paano ibig sabihin noon madadagdagan ang trabaho ko! Haaaay tangina talaga.
At the same time naman ok na rin. Kasi parang pabigat na lang ang kumag. Matagal nang gustong i-etsa pwera si Bansot ng may-ari kaso pinipigilan ko lang. Sabi ko marami pa syang inaayos. Pero nawawalan na ako ng dahilan kaya biyayang nagbabalatkayo na nga lang ang dating.
At syempre lalong dadalang ang pag-raratrat ko dito o baka rin naman dumalas dahil lalo lang akong mabubuwisit sa trabaho ko.

Ang key word dito..at least may trabaho pa - di ba?

Thursday, December 21, 2006

Opis Xmas Tipar

Pers of all Meri Xmas everybody!
Kagabi nag xmas dinner ang kumpanya namin. Ngayon lang ata ako natuwa ng husto.
Labing-dalawa kaming lahat sa table at inabot ng isang libo anim na daan ang total sama na pati inumin. Bale mahigit 1 daan bawat tao.
Sabihin na lang natin na nagtatalunan sa tuwa ang mga bulate sa tyan ko.

Hapi New Year too!!

Tuesday, December 12, 2006

Kolektors ng Lumang Utang-Tangna nyo!

Nakatanggap na naman ako ng demand letter from one for those firms na bumibili ng mga old delinquent accounts gaya ng credit card accounts na sumuko na ang card company. Usually mga accounts ito na lagpas na ng statue of limitations. Ang mga hinayupak na kumpanya na ito ay binibili ang mga accounts na kamukha sa akin na 15 years ago for a few pennies on the dollar. Tapos gagawa sila ng issue at mananakot sa mga may ari ng lumang utang na yun at ipagpipilitan na kailangan nilang bayaran yun.
Eh ano pa nga ba ang gagawin ko? Eh di ibasura lang! Nako pipol. Wag kayong matatakot sa mga hinyupak na yan. Pinagbayaran nyo na ng panahon ang mga pagkakamali na yun. Pero kung matibay kayo at talagang hanapbuhay nyo na ang manloko ng kapwa..well ibang istorya na yan..