Monday, September 06, 2010

Blast from the past

Bumalik ako sa nakaraan ko kung paano ako dumapa. Sa panahon ng mga dragon at makikintab na yerong bubong. Hinabol-habol ang buntot ng dragon para makita ang hinahanap ko..pero nakarating na ako sa dulo subalit talagang wala ng dapat hanapin.
Ang nakaraan at pagkadapa ko ay tapos na. San damak-mak man ng dragon na katunggali ko ngayon ay wala ng rason para makipaglaban pa.
Hindi na nababagay ang pakikipaglaban sa dragon sa pangkasalukuyan kong panahon dahil tapos na ang aking misyon.
Ang isa kong natutunan sa ngayon, kailangan may kasama sa pakikipaglaban sa dragon. Siguro dahil mag-isa kong nilabanan kaya parang walang pinaroonan.
Ah ewan. isa lang ang konklusyon. Tama na ang kalokohan kong yun.

Friday, September 11, 2009

TaPos nA Hapi dAyz

mahirap man tanggapin pero kailangan harapin. hindi na ako ang dating gintong bata ng taena kong kmpnya. Malayo na talga sa bilangan kung tutuusin pero at least nandito pa rin ako. ibang responsibility na lang nga...pride..lunukin ko na...sakit sa loob...

Sunday, October 12, 2008

Double Kara la-wang binesa

Isa na naman pong ka-otrab ko ang lumayas at mabuti naman. Matapos pag-aralin sa isang magaling na lugar at gumastos ng halos tatlong libong kalapansa, feeling nga na hindi sya para talaga sa kumpanya namin. Galeeng! Ang isang matindi dito ginagawa nyang dahilan ang rehilyon para makakuha ng personal na araw. Eh kamalala mo ay Kristyano rin pala! Ulul din! pero mas ulul ata ang kumpanya dahil pumayag.
Sa una. Dahil minsan kinusap namin napikon at nagbantang aalis na raw sya.

ang tanga akala pipigilan ko. Bahala sya.

Sunday, October 07, 2007

Etcha-Pwera na Si Tita Benita!

Hay buhay! my gulay!
Lumayas na si Tita Benita at nag-join na sila ng kanyang bagong discover na hahalayin. Nag-isang araw na aviso lang ang gagah at ako na ang naiwang gumawa ng letcheng trabaho nya dagdag pa sa aking trabaho! Kaya hindi na ako nakapag-chika sa aking mga readers.
So far masaya naman sila Iistak Hup Beech at Kabag Lady dahil nawala na ang kanilang mortal na kakumpitensya sa glamour ng opis. Oks na rin sa akin dahil nagkaroon ako ng katahimikan at nabawasan ang hostility sa kumpanya. Pero gaya nga ng nasabi ko-ginagawa ko lang ang hanggang kaya kong gawin dahil over naman talaga ang task to be done and alam naman ni Shaider at Madam Auring ang aking dilema pero dedma nga lang ng konti.

Friday, March 02, 2007

Sick Days ni Tita Benita

Ilang araw ng absent si Tita Benita. Nagtatae daw ata o may dugo ang ihi. Tang' ina kasing bakla yan ayaw pang tigilan ang panghahala. Kaya yan ang napala nya.
May absyss daw sa daanan ng ebbs nya at naimpeksyon ata. Ska mukha na talaga syang sakitin. Pinag-usapan nga namin sya ni Madam Auring, tingin namin may Ate Aida sya. tsk...basta ba wala raw bodily fluid exchange ok lang kami.
Pero nakakatakot pa rin ano?

Sunday, January 28, 2007

Unang Buwan Ending

Matatapos na ang unang buwan ng 2007 at wala pa akong update dito. Sinasabi ko na nga ba at tambak ako ng trabaho pag nawala si Bansot. Ok Fine Whatever! Third week ko nang ginagawa yung isang job task nya every friday and I think it's time to pass it sa isang tauhan ko. Yung si kupal kong opismate na hingi ng hindi ng trabaho pero yung binibigay ko naman hindi tinatapos. Pa-wanting to do more work epek ba? Syet! babarahin ko na nga bukas.

So far naman wala akong feeling hostility sa buhay. Hindi ako galit sa mundo today. Feeling neutral lang kung baga. Lots of things on my mind pero hirap eksplika. Pero one thing is 4sure. I still thank God for everything. (ay syet! tamang santo!) Oi! cge! tyme out na ako at baka saan pa humantong itong entry ko!

Ingatz all sa mga naligaw dito.

Friday, December 22, 2006

Tapos si Bansot!

Kinausap ako ni Bansot kanina at ang putang ina nagbigay ng isang linggong notice. Isa't kalahating ulul at gago talaga. Paskong-pasko binubwiset ako. Bakit kamo? Eh paano ibig sabihin noon madadagdagan ang trabaho ko! Haaaay tangina talaga.
At the same time naman ok na rin. Kasi parang pabigat na lang ang kumag. Matagal nang gustong i-etsa pwera si Bansot ng may-ari kaso pinipigilan ko lang. Sabi ko marami pa syang inaayos. Pero nawawalan na ako ng dahilan kaya biyayang nagbabalatkayo na nga lang ang dating.
At syempre lalong dadalang ang pag-raratrat ko dito o baka rin naman dumalas dahil lalo lang akong mabubuwisit sa trabaho ko.

Ang key word dito..at least may trabaho pa - di ba?