Friday, December 22, 2006

Tapos si Bansot!

Kinausap ako ni Bansot kanina at ang putang ina nagbigay ng isang linggong notice. Isa't kalahating ulul at gago talaga. Paskong-pasko binubwiset ako. Bakit kamo? Eh paano ibig sabihin noon madadagdagan ang trabaho ko! Haaaay tangina talaga.
At the same time naman ok na rin. Kasi parang pabigat na lang ang kumag. Matagal nang gustong i-etsa pwera si Bansot ng may-ari kaso pinipigilan ko lang. Sabi ko marami pa syang inaayos. Pero nawawalan na ako ng dahilan kaya biyayang nagbabalatkayo na nga lang ang dating.
At syempre lalong dadalang ang pag-raratrat ko dito o baka rin naman dumalas dahil lalo lang akong mabubuwisit sa trabaho ko.

Ang key word dito..at least may trabaho pa - di ba?

No comments: