Friday, October 27, 2006

Buwelta sa Opis-TGIF

Yes! TGIF!! sa mga hindi naniniwala sa Diyos.... IF!!
Akala ko smooth sailing itong biyernes dahil una. wala si KaBagLady. Walang umuutot sa opis. Kesehodang walang amoy, UTOT pa rin yun! No denying the fact na umuutot sya sa opis! Gaaas massssk.....
Pangalawa, dami kaming pera sa banko. Ganda ng kass-plow namin. Gagah. conventional..este..intentional ang mga wrong-mistake dito ha! por now on porget nyo grammatical errors.
Anyways, so kampante ako na mararating ko ang katapusan ng araw at uuwi akong masaya dahil sa weekend... WRONG!!!!
Putang inang Tita Benitang Baklang yan!! Nagka-issue with FPP! (Feeling Poging Panot) Muntik nang i-cite ang siksuwal arrasment. Tawag ng emergency meeting kaming feeling higher management. Wat happen? Eh ang natakits ko lang si FPP sinugod si TBB sa kanyang opis at pinagsabihan ata ng "Don't you ever do that to me again!!"
Syempre nag-hide-effect ako sa likod ng aking 19" CRT monitor. (2 na lang kami ni FPP na using pa rin ng CRT-yung iba LCD na) Mahirap na kasing makisali sa discussion nila.

After about 5 minutes "bling!" email from da bos na. Yung nga emergency chikka kaming dalawa ni Madam Auring. Ang siste nagwawala na raw itong si FPP dahil binuksan daw ni TBB ang kanyang polo shirt at pinakita ang kanyang mabalahibong dibdib kay FPP! Eh given na daw na talagang may crush si TBB kay FPP noon pa at masuka-suka naman daw si FPP dahil straight daw sya.
So ang akala ni FPP hinaharass na sya ni TBB. Ask naman ako sa panig ni TBB..

Kwento naman ni TBB nakatayo daw si FPP sa lamesa ng isang opismate naming ga-balde ang suso at ang suot sa araw na yun ay parang puputok na blouse. Papasok daw sa pinto si TBB pero hindi tumuloy at medyo umatras para hindi makita ni GBSs (Ga-Baldeng Suso) at doon binuksan ni TBB ang kanyang polo mimicking GBSs posture.

Forward ko kay Madam Auring ang side ni TBB and so sa madaling salita natapos din ang issue.
Tanginang buhay yan! Buti sana kung si GBSs mismo ang nagbukas ng blouse nya! Letche!!

No comments: