Friday, September 22, 2006

Opis Politiks

Pulitika sa kongreso, pulitika pa rin sa kumpanyang pinapasukan. Putang ina buhay yan oo! Lahat na lang kailangang pakisamahan mo ng mabuti. Wala kang pwedeng piliin at siguradong kampi-kampi yan. Tang ina eh puro matatanda na ang mga nagtatrabaho sa kumpanya namin tapos parang mga isip-bata pa rin? Leche! Puro kaplastikan. Pati ako nahawa na sa pagka-Saran Wrap na rin.

Take por example yang lunch time ha. Ackward mag-lunch kayo ng isang co-worker mo pag hindi mo ininvite yung taong nasa next table. Akala ko noon walang pakialaman sa tate eh grabe rin pala itong mga hindot na ito sa pagkanipis. Nagsumbong pa sa amo at pinag-kakaisahan daw sya. Putang ina nya eh nawawalan ako ng gana pag kaharap ko syang kumain eh! Pero dahil kailangan magsayaw sa tugtog ng banda ikaw pa mismo ang hihingi ng dispensa. Tang-inang buhay yan oo!

No comments: