Sunday, January 28, 2007

Unang Buwan Ending

Matatapos na ang unang buwan ng 2007 at wala pa akong update dito. Sinasabi ko na nga ba at tambak ako ng trabaho pag nawala si Bansot. Ok Fine Whatever! Third week ko nang ginagawa yung isang job task nya every friday and I think it's time to pass it sa isang tauhan ko. Yung si kupal kong opismate na hingi ng hindi ng trabaho pero yung binibigay ko naman hindi tinatapos. Pa-wanting to do more work epek ba? Syet! babarahin ko na nga bukas.

So far naman wala akong feeling hostility sa buhay. Hindi ako galit sa mundo today. Feeling neutral lang kung baga. Lots of things on my mind pero hirap eksplika. Pero one thing is 4sure. I still thank God for everything. (ay syet! tamang santo!) Oi! cge! tyme out na ako at baka saan pa humantong itong entry ko!

Ingatz all sa mga naligaw dito.