Sunday, October 07, 2007

Etcha-Pwera na Si Tita Benita!

Hay buhay! my gulay!
Lumayas na si Tita Benita at nag-join na sila ng kanyang bagong discover na hahalayin. Nag-isang araw na aviso lang ang gagah at ako na ang naiwang gumawa ng letcheng trabaho nya dagdag pa sa aking trabaho! Kaya hindi na ako nakapag-chika sa aking mga readers.
So far masaya naman sila Iistak Hup Beech at Kabag Lady dahil nawala na ang kanilang mortal na kakumpitensya sa glamour ng opis. Oks na rin sa akin dahil nagkaroon ako ng katahimikan at nabawasan ang hostility sa kumpanya. Pero gaya nga ng nasabi ko-ginagawa ko lang ang hanggang kaya kong gawin dahil over naman talaga ang task to be done and alam naman ni Shaider at Madam Auring ang aking dilema pero dedma nga lang ng konti.

No comments: