Friday, October 27, 2006

Buwelta sa Opis-TGIF

Yes! TGIF!! sa mga hindi naniniwala sa Diyos.... IF!!
Akala ko smooth sailing itong biyernes dahil una. wala si KaBagLady. Walang umuutot sa opis. Kesehodang walang amoy, UTOT pa rin yun! No denying the fact na umuutot sya sa opis! Gaaas massssk.....
Pangalawa, dami kaming pera sa banko. Ganda ng kass-plow namin. Gagah. conventional..este..intentional ang mga wrong-mistake dito ha! por now on porget nyo grammatical errors.
Anyways, so kampante ako na mararating ko ang katapusan ng araw at uuwi akong masaya dahil sa weekend... WRONG!!!!
Putang inang Tita Benitang Baklang yan!! Nagka-issue with FPP! (Feeling Poging Panot) Muntik nang i-cite ang siksuwal arrasment. Tawag ng emergency meeting kaming feeling higher management. Wat happen? Eh ang natakits ko lang si FPP sinugod si TBB sa kanyang opis at pinagsabihan ata ng "Don't you ever do that to me again!!"
Syempre nag-hide-effect ako sa likod ng aking 19" CRT monitor. (2 na lang kami ni FPP na using pa rin ng CRT-yung iba LCD na) Mahirap na kasing makisali sa discussion nila.

After about 5 minutes "bling!" email from da bos na. Yung nga emergency chikka kaming dalawa ni Madam Auring. Ang siste nagwawala na raw itong si FPP dahil binuksan daw ni TBB ang kanyang polo shirt at pinakita ang kanyang mabalahibong dibdib kay FPP! Eh given na daw na talagang may crush si TBB kay FPP noon pa at masuka-suka naman daw si FPP dahil straight daw sya.
So ang akala ni FPP hinaharass na sya ni TBB. Ask naman ako sa panig ni TBB..

Kwento naman ni TBB nakatayo daw si FPP sa lamesa ng isang opismate naming ga-balde ang suso at ang suot sa araw na yun ay parang puputok na blouse. Papasok daw sa pinto si TBB pero hindi tumuloy at medyo umatras para hindi makita ni GBSs (Ga-Baldeng Suso) at doon binuksan ni TBB ang kanyang polo mimicking GBSs posture.

Forward ko kay Madam Auring ang side ni TBB and so sa madaling salita natapos din ang issue.
Tanginang buhay yan! Buti sana kung si GBSs mismo ang nagbukas ng blouse nya! Letche!!

Wednesday, October 25, 2006

Time Clock 2-Basyo!

Bumili kami ng time clock dahil medyo nakukulitan na rin ako sa kangngangawa nitong Taga-Masid naming ala-aguila (syet! na-alala ko tuloy yung kapatid kong super sa pakikialam at number 1 reporter..kaya nabingi! heheh)

Anyways, so nakuha na namin ang time clock pero noong nakita ng amo ko para syang biglang nagising at sinabing isoli na lang daw dahil para daw kaming gago na bababa sa level na yon na magbibilangan ng oras.

ay salamat! na-untog din.

Yung batikang always late-always on time umalis nakapag-isip din at sa awa ng Diyos nagbago na. Nagka-isip din na pag nale-late sya nag-tatagal pa sya ng ilang minuto para mabayaran nya yung pagka-late nya. So everyone is happy. Except Kabag Lady....Putang ina mo Kabag Lady! tanda ka na kasi kaya kulang ka sa kangkang! tarantado!!!
-whew!- nakapag-emote na naman!

Musical Chairs


Eto na naman kami! Bagong issue! Si Kabag Lady at tita benita is at it again! Sabi ni Tita Benita na kailangan daw nya ng space at para daw siyang isda sa aquarium na laging tinitingan ni Kabag Lady kung ano ang ginagawa nya. Keso panay daw ang parinig na ayaw nya nito, ayaw nya ng ganyan. Request si Tita Benita na lipat daw sya ng ibang office or bigyan sya ng sarili nyang space. Buti na lang na nasopla ni Madam Auring at ipinasasabi na walang aalis sa existing upuan. Dati na naming ginawa yun at masyadong madugo ang process. Maraming crying epek at emotional counseling.
Pero Explika ko naman dito kay Tita Benita na kung wala kang itinatago bakit ka mag-wo-worry? Kung trabaho ang ginagawa mo eh di tuloy mo! magdugo na ang mata ni Kabag Lady sa katitingin basta pagkatapos ng araw feel mong natapos mo ang trabaho mo at hindi ka guilty. well..pwera na lang kung makapal ang mukha mo at puro bulakbol ang ginagawa mo sa trabaho! gago!

p.s.
  • sinulat ko po ito sa bahay namin ng madaling araw kaya clear concience ako! Lol!!!
  • Made-up names po ang mentioned pero tutoong mga tao.